Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang bumaba ang kalidad ng kanilang buhay sa huling 12 buwan.
Batay sa Social Weather Stations (SWS), 57% ng mga Pinoy ang nagsabing bumaba ang kalidad ng kanilang buhay, 13% ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay habang 29% ang wala umanong pinagbago.
Sa naturang survey, tinawag na ‘gainer’ ng SWS ang mga nagsabing gumanda ang kanilang pamumuhay, ‘losers’ ang mga nagsabing bumaba ito at ‘unchanged’ sa mga walang pinagbago.
Ang net gainers score ng survey ay bumaba sa -44 mula sa -31 score noong June 2021 kung saan tinawag itong “extremely low” ng SWS.
Nangunguna rin ang Metro Manila sa mga nakaranas ng pagbaba ng kalidad ng pamumuhay sa nasabing survey.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula Setyembre 12 hanggang 16 sa may 1,200 adult respondent mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.