Mayorya ng mga Filipino ang naniniwalang “worth it” ang ipinatupad na quarantine measures ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 84 percent ng mga Pinoy ang nagsabing sulit ang lockdown na ipinatupad ng pamahalaan.
15 percent naman ang nagsabi na ang istriktong stay-at-home directive para sa COVID-19 ay nagbibigay pa ng pasakit sa mamamayan.
Habang one percent naman ang naniniwalang sulit ang measures para maprotektahan ang publiko pero nagdadala rin ito ng pasakit sa mga Pilipino.
84 percent sa mga nagsabing sulit ang stay-at-home measures ay mula sa Metro Manila, Balance Luzon, at Visayas habang 81 percent ay mula sa Mindanao.
Maliban dito, mahigit 80 percent din ng mga Pilipino ang aprubado ang stay at home measure sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) habang 83 percent sa General Community Quarantine (GCQ).
Pinakamataas na bilang ng mga pumabor sa stay-at-home protocol ay mga college graduates na nasa 88 percent at sinundan ng high school graduates sa 83 percent.
Ang SWS survey ay isinagawa noong May 4 hanggang May 10 gamit ang mobile phone at computer assisted telephone sa 4,010 working age Filipinos na edad 15 pataas.