Mayorya ng mga Pilipino ang magdiriwang ng Pasko tulad ng nakagawian taon-taon habang karamihan din ay umaasang sasalubungin ang bagong taon nang may pag-asa.
Base ito sa isinagawang survey ng Pulse Asia kung saan aabot sa 2,400 adults ang lumahok, na ginawa mula November 23 hanggang December 2.
Sa pagdiriwang ng Pasko, lumabas na 55 percent ng mga Pilipino ang nagsabing parehas pa rin ang pagdiriwang ng kanilang Pasko tulad ng nakalipas na taon, 38 ang nagsabing kakaiba na ngayong taon at 8 percent ang hindi na umaasa ng masayang pagdiriwang ng Pasko.
Sa pagsalubong naman ng Bagong Taon, nakapagtala ng 91 percent ang Pulse Asia ng mga Pilipinong nagsasabing sasalubungin nila ang 2021 nang may pag-asa habang 8 percent ang nawawalan na ng pag-asa.
Pinakamaraming sumagot sa survey ay nagmula sa Luzon (93 percent), sinundan ng Visayas (92 percent), Metro Manila (91 percent), at Mindanao (87 percent).