Mayorya ng mga Pilipino, sa telebisyon kumukuha ng impormasyon at balita – survey

Mayorya sa mga Pilipino ang gumamit ng telebisyon bilang source ng impormasyon at balita tungkol sa pamahalaan at pulitika.

Ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia, 91% ang nagsasabing sa TV pa rin sila kumukuha ang balita tungkol sa politika kung saan 82% dito ay sa national television at 25% ang local television.

Habang 49% naman sa mga Pinoy ang nakakakuha ng balita sa pakikinig sa radyo at 48% ang sa internet, partikular sa Facebook.


37% ang nagsabing bumabase sila sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan at 3% naman sa mga Pinoy ang nagbabasa ng newspaper o dyaryo para makasagap ng balita.

Facebook Comments