Mayorya ng mga Pilipino, sumusunod sa social distancing at pagsusuot ng face mask – SWS Survey

Mayorya ng mga Pilipino ang sumusunod sa social distancing at pagsusuot ng face masks sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 64 percent ng mga Pilipino ang sumusunod sa social distancing.

Nasa 19 percent naman ang nagsabing sumusunod sila sa social distancing sa halos lahat ng oras habang 9 percent ang paminsan-minsan lang.


Anim na porsiyento naman ng mga Pilipino ang bihira lang sumunod sa social distancing habang 0.5 percent ang hindi sumusunod dito.

Lumabas din sa survey na 77 percent ng mga Pinoy ang palaging nagsusuot ng face mask tuwing lumalabas ng bahay habang 15 percent ang nagsusuot nito sa halos lahat ng oras.

Mayroong namang 4 percent na nagsabing paminsan-minsan lang sila nagsusuot ng face mask, 2 percent ang bihira at 0.3 percent ang hindi talaga nagsusuot.

Isinagawa ang survey nitong May 4 hanggang May 10, 2020 sa pamamagitan ng mobile phone poll na nilahukan ng 4,010 respondents na edad 15 pataas.

Facebook Comments