Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang polymerization ng mga salapi.
Batay sa Consumer Expectation Survey na isinagawa ng BSP, 61.3 percent ng respondents ang nagsabing suportado nila ang inisyatibo na ito.
Noong nakaraang linggo nang ilunsad ng BSP ang bagong polymer banknotes para sa P500, P100, at P50 kung saan ibinibida ang mga native at protective species gayundin ang local weave designs.
Magiging available ang new polymer banknote denominations sa Greater Manila Area ngayong Disyembre at tuluyang papasok sa sirkulasyon sa unang bahagi ng 2025.
Una nang sinabi ng BSP na mananatili pa rin sa sirkulasyon kasama ng bagong polymer bills ang mga banknotes na tampok ang mga bayani ng Pilipinas.
Nasa mahigit 40 bansa sa buong mundo ang gumagamit ng polymer banknotes.