Manila, Philippines – Dumami ang mga pinoy angnananatiling walang tiwala sa China at Russia.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pakikipagmabutihan niPangulong Rodrigo Duterte sa naturang mga bansa.
Lumabas sa latest survey ng pulse Asia na 63 percent ngmga pinoy ang hindi nagti-tiwala sa China habang 56 percent naman sa Russia.
Batay sa survey – ang Estados Unidos angpinaka-pinagkakatiwalaang bansa pa rin ng mga pinoy na nakakuha ng nasa 79 percent.
Sinundan ito ng japan na may 75 percent, Australia na may69 percent at United Kingdom na nakakuha naman ng 53 percent na tiwala ng mgapinoy.
Samantala, kabilang naman sa mga pinagkakatiwalaanginternational groups ng mga pinoy ay ang United Nations na may 82 percent at SoutheastAsian Nations o ASEAN na may 81 percent.
Ang naturang survey ay isinagawa noong March 15 hanggang20 sa May 1,200 respondents.
Mayorya ng mga Pilipino, wala pa ring tiwala sa China at Russia
Facebook Comments