Mayorya ng mga Pinoy, handang depensahan ang Pilipinas sakaling umatake ang ibang bansa, ayon sa OCTA

Mayorya ng mga Pinoy ang nagpahayag na handa silang depensahan ang Pilipinas sakaling umatake ang ibang bansa.

Base sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research para sa huling bahagi ng 2023, lumabas na 77 percent o katumbas ng tatlo sa apat na Pilipino ang handang makipaglaban para sa kapakanan ng bansa.

Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng face-to-face interview noong December 10 hanggang 14 sa 1,200 na adult Filipino.


Sa nasabing bilang, naitala sa Mindanao ang pinaka-maraming Pinoy na handang makipaglaban para sa bansa.

Facebook Comments