Mayorya ng mga Pinoy, mas gusto ang voters registration sa mga mall

Mas maraming Pilipinong gustong magparehistro bilang botante sa mga mall.

Ito ang lumabas sa Twitter survey ng Commission on Elections (Comelec).

Base sa survey, 60% ng mga Pinoy o 96 mula sa 161 respondents ang pinili ang mall voter registration.


20% naman ang nagsabi na mas gusto nilang magparehistro sa mga eskwelahan, 12% sa local Comelec offices at 8% sa iba pang lugar.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – ang resulta ng survey ay indikasyong may mataas na public acceptance ang voter registration activities sa mga mall.

Isusumite ni Jimenez ang resulta ng survey sa Comelec en banc.

Dahil dito, ikinukunsidera ng Comelec en banc na magkaroon ng kahit isang mall registration activity kada rehiyon.

Facebook Comments