Manila, Philippines – Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang may problema sa kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS), sa 1,440 Filipino adults na tinanong, 49 percent ang naniniwalang meron health problems ang Pangulo.
Nasa 24 percent naman ang hindi naniniwala habang 27 percent ang undecided.
Nakapaloob rin sa survey na ang net belief na may health problems ang Pangulo ay tumaas sa plus 25 mula sa dating plus 19 noong September.
May 66 percent rin ang nagsabing nag-aalala sila sa kalusugan ng Pangulo habang 34 percent ang hindi.
Matatandaang inamin ng Pangulo na sumailalim siya sa medical checkup dahil sa nakitang “growth” sa kanyang digestive tract.
Facebook Comments