Mayorya ng mga Pinoy, tiwala kay Trump – Pew Research Center

Malaki ang tiwala ng mayorya ng mga Pilipino kay US President Donald Trump.

Sa pinakabagong survey ng Pew Research Center, 77% ng mga Pilipino ang naniniwalang tama ang mga ginagawa ni Trump sa world affairs.

Mula naman sa 33 bansang tinanong, 64% nang nagsabing wala silang tiwala sa American leader, 29% naman ang mayroong tiwala.


Lumabas din sa survey na positibo ang nakukuhang pananaw kay Trump sa pangkalahatan sa Asia-Pacific Region, Middle East at Africa, habang negatibo ang pananaw sa lider sa European countries.

Maliban kay Trump, nakakuha din ng positive reviews mula sa Pilipinas si Russian President Vladimir Putin na may 61%, habang nasa 58% naman si Chinese President Xi Jinping.

Ang survey ay isinagawa mula May 18 hanggang October 2, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa halos 37,000 respondents.

Facebook Comments