Mayorya ng mga residente ng Quezon City ay payag magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Ito’y kung pagbabatayan ang resulta ng survey na isinagawa ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga tinanong ay ang mga residente na nag-apply para sa pagkuha ng QCitizen ID.
Ayon kay City Administrator Michael Alimurung, mula sa 44,000 applicants sa Quezon City ID na tinanong, 57.6% dito ang nagpahayag ng kahandaang magpabakuna.
9.1% lang ng mga applicants ang hindi magpapabakuna habang 33.3% ang undecided.
Ginamit na dahilan ng mga may takot ang kawalan ng tiwala sa efficacy at safety ng bakuna.
Habang ang ilan ay health issues ang dahilan tulad ng pagkakaroon ng allergies.
Nauna nang pumasok ang City Government sa tripartite agreement sa AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines para sa initial delivery ng 1.1 million doses ng COVID-19 vaccines.