Mayorya ng mga Senador, nanatili ang suporta kay Senate President Pimentel

Manila, Philippines – Isa isang nagpahayag ng suporta kay Senate President Koko Pimentel ang mga senador na kaabilang sa Majority Bloc.

Kasunod ito ng banta ni Senator Antonio Trillanes IV na pagsisikapan niyang mapatalsik bilang pangulo ng Senado si Pimentel kapag hindi nito tinanggal bilang chairman ng blue ribbon committee si Senator Richard Gordon.

Diin nina Senators Ping Lacson at JV Ejercito, mananatiling senate president si Pimentel dahil nanatili ang solidong suporta ng 16 na mga senador sa majority bloc.


Buo ang paniniwala ni Lacson na mahihirapang makabuo ng 13 senator para mapalitan si Pimentel.

Giit naman ni Ejercito, walang dahilan para baguhin ang liderato ng mataas na kapulungan.

Pinuri naman ni Senator Win Gatchalian, ang pagiging patas at decisive leadership na ipinapakita ni Sen. Pimentel kaya hindi aniya magbabago ang suporta nila dito.

Tiwala naman si Senator Manny Pacquiao na hindi magtatagumpay si Senator Trillanes.

Para naman kay Senator Richard Gordon, ginagampanang mabuti ni Senator Koko ang trabaho nito at sinisikap ding maging patas sa lahat.

Facebook Comments