Mayorya ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, kalalakihan; mga naitatalang nasawi, mayroon ng pre-existing condition

Mayorya ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa ay mga kalalakihan.

Sa datos Department of Health (DOH), mula sa total na 8,928 confirmed cases noong Biyernes, May 1, 54-percent o katumbas ng 4,852 rito ay mga lalaki.

Sa nasabing bilang, 19 percent o 1,696 rito ay nasa pagitan ng edad na 40 hanggang 59-anyos.


Natukoy din ng DOH na mula sa 603 total deaths, 56-percent o 339 ang may iba pang sakit bukod sa COVID-19.

Itinuturing na top 2 sa mga ito ang hypertenstion o high blood na may 64-percent o 217, at diabetes na nasa 49-percent o 166 cases.

Una nang nilinaw ng World Health Organization (WHO) na wala pang matibay na basehan kung may direktang ugnayan ang mga nabanggit na sakit sa pagkamatay ng ilang pasyente.

Pero malinaw na pinahihina lalo ng mga sakit na ito ang katawan ng pasyenteng tinamaan na rin ng COVID-19.

Facebook Comments