MANILA – Mayorya ng mga Pinoy ang pabor na dapat ipairal ng gobyerno ng Pilipinas ang naging desisyon ng arbitral tribunal kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.Batay sa survey na ginawa ng Pulse Asia noong nakaraang buwan – 84 percent ng mga Pinoy ang nagsabing kinakailangan igiiit ng Pilipinas ang karapatan ng bansa matapos tayong paburan ng permanent court of arbitration sa claims sa mga pinag-aagawang teritoryo.12 percent naman ang hindi makapagdesisyon, 3 percent ang hindi pabor habang isang porsyento lamang ang hindi alam ang dapat gawin.Sa mga pumabor, 44 percent ang “pabor na pabor o very much agree,” habang 40 percent ang sumagot ng “agree.”Naniniwala naman ang isang political analyst na ang survey ay nagpapakita aniya mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Duterte administration at ang saloobin ng publiko sa usapin ng foreign policy.
Mayorya Ng Pinoy – Naniniwalang Dapat Igiit Ng Pilipinas Ang Ruling Ng Arbitral Tribunal Sa Claims Sa West Philippine Se
Facebook Comments