62% ng mga Pilipino ang nais na manatili pa rin sa bansa sa kabila ng dumaraming traditional politicians.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Tangere, isang market research company.
Sa nasabing survey naman, 38% lamang ang nagsabing nais nilang umalis ng Pilipinas dahil sa pagdami ng traditional politicians sa bansa.
Pinakamarami sa respondents na lumahok sa nasabing survey ay mula sa Visayas.
Lumalabas din sa nasabing survey na mas maraming mga magulang na Pilipino ang pipiliin na manatili lamang sa bansa ang kanilang mga anak.
63% na mga respondents na nagsabing mas nais nilang manatili sa bansa ang kanilang mga anak kaysa mangibang-bansa.
Habang 37% ang nais na magtungo sa abroad ang kanilang mga anak kaysa manatili sa bansa.
Facebook Comments