Mayweather,  nasa bansa para magbakasyon sa Boracay private meeting nila ni Pacquiao, pinaplantsa

Nasa bansa ngayon si undefeated American Boxer Floyd Mayweather Jr. Para magbakasyon sa Boracay.

Alas 3:30 kaninang madaling araw nang lumapag sa Ninot Aquino International Airport (NAIA) ang private plane ng boksingero na sinalubong ng kanyang kaibigang negosyante na si Lester Codog.

Matapos na mag-almusal sa isang five-star hotel sa Parañaque ay agad ding lumipad papuntang Boracay si Mayweather.


Babalik siya sa Maynila sa April 2 at lilipad pabalik ng Las Vegas kinabukasan.

Sinusubukan din umano ni Codog na maplantsa ang isang private meeting sa pagitan ni Mayweather at Pinoy Champ Manny Pacquiao.

Matatandaang sinabi noon ni Pacquiao na patuloy ang negosasyon ukol sa posibilidad na rematch nila ng American boxer.

Facebook Comments