Mccann World Group – iginagalang ang desisyon ng DOT kaugnay sa kontrobersyal na video advertisement

142

Manila, Philippines – Iginagalang ng McCann World Group ang pasya ng Department of Tourism na tuldukan na ang kontrata nito sa kanila.

Ito ay sa gitna na rin ng kontrobersyal na video advertisement ng kagawaran na kahalintulad ng ginamit sa South Africa noong 2014.


Sinabi ng McCann na bagamat nalulungkot ito sa nangyari – pag-aaralan pa nila kung paano lulutasin ang usapin.

Sa kabila nito, nagpasalamat ang McCann sa DOT sa oportunidad na pagsilbihan ito, at sinusuportahan pa rin ng ad agency ang kagawaran sa mga hakbang nito sa hinaharap.

Matatandaang nanawagan sa mccann ng public apology ang dot para sa kontrobersyal na ‘sights’ video advertisement na binatikos ng publiko dahil sa pagiging ‘copycat’ sa tourism advertisement ng South Africa.

Binuran na rin ng DOT sa YouTube ang inupload nilang kopya ng tourism.



Facebook Comments