MDRRMO, nakahanda na sa ikakasang transport strike

Maagang ipinakalat ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga sasakyan na gagamitin nila para sa libreng sakay.

Ito’y kasabay ng ikakasang transport strike kung saan mahigit 60 sasakyang ang iikot sa mga lugar na maaapektuhan ng tigil-pasada.

Kaugnay nito, naka-monitor na ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa magiging sitwasyon kung saan babantayan nila katuwang ang Manila Police District (MPD) ang ilang mga pumapasadang jeep.


Partikular sa may bahagi ng Sta. Mesa at Pedro Gil na una nang naiulat na nagkaroon ng harangan sa mga nakalipas na tigil-pasada.

Muling panawagan ng MPD sa mga magkakasa ng tigil-pasada na huwag sanang pilitin at huwag mangharang ng ibang tsuper na nais bumiyahe upang maiwasan na magkagulo.

Umaasa ang Manila LGU na hindi mapaparalisa ang biyahe sa buong lungsod lalo na ngayong marami pa rin pampasaherong jeep ang bumibiyahe.

Facebook Comments