Mas pinaigting ang kahandaan sa pagtugon sa mga sakunang may kinalaman sa tubig matapos magsagawa ng Water Search and Rescue o WASAR Training ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Lumahok sa limang araw na pagsasanay ang mga personnel ng MDRRMO mula sa Calasiao, Pangasinan at San Nicolas, Pangasinan, kung saan sumailalim sila sa serye ng lecture at aktuwal na drills upang mapalawak ang kanilang kakayahan sa water rescue operations.
Kabilang sa mga tinalakay at isinagawang aktibidad ang basic water safety at life support, swimming exercises, tamang knot-tying techniques, boat handling at maneuvering, rubber boat carries, at iba’t ibang recovery techniques na mahalaga sa mabilis at ligtas na pagsagip ng mga biktima.
Ayon sa tanggapan, layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kahandaan ng mga lokal na pamahalaan lalo na sa papalapit na panahon ng tag-ulan at sa banta ng pagbaha sa lalawigan ng Pangasinan.







