MDSW, handang sumagot sa mga katanungan o imbestigasyon hinggil sa isyu ng mga mentally ill sa Delpan Evacuation Center

Handa ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) na tumugon sa anumang imbestigasyon hinggil sa sitwasyon ng mga mentally ill individual na nananatili sa Delpan Evacuation Center.

Igniit ni MDSW Dir. Re Fugoso ginawa nila ang lahat ng paraan para alagaan ang mga ito kung saan nauna na rin silang humingi ng tulong sa mga Non-government Organizations (NGOs), national government, at mental hospital.

Paglilinaw pa ni Fugoso, nasa 66 ang kabuuang bilang ng mentally ill na kanilang na-rescue at dinala sa naturang evacuation centers.

Una nang inamin ni Fugoso na hirap silang tutukan ang bawat isang mentally ill pero hindi naman daw nila ito pinababayaan.

Regular din silang nagpapadala ng pagkain kung saan binibihisan din nila ang mga ito pero karamihan ay naghuhubad daw talaga at sa sahig gusto matulog.

Handa naman ipaliwanag ni Fugoso kung paano at saan nila ginastos ang budget ng lokal na pamahalaan ng Maynila hinggil sa isyu ng pagtulong sa mga nare-rescue sa lansangan.

Facebook Comments