Nagtungo noong ika-24 ng Pebrero ang Meals on Wheels Truck ng lungsod sa Barangay Payar,San Carlos City, bilang bahagi ng pinalakas na Community Feeding Program ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng programa na makapaghatid ng karagdagang nutrisyon sa mga mamamayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan, at mapalawak ang kaalaman ng komunidad hinggil sa wastong pagkain at pangangalaga sa kalusugan. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, mas napapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga barangay at mas natutugunan ang pangangailangan ng mga pamilya.
Bukod sa pamamahagi ng masustansiyang pagkain, nagbigay rin ng iodized salt sa mga dumalo bilang suporta sa kampanya laban sa iodine deficiency at bilang hakbang tungo sa mas malusog at mas matatag na komunidad.
Patuloy ang pagpapaigting ng mga programang pangkalusugan upang matiyak na bawat mamamayan ay may sapat na nutrisyon at kaalaman para sa kanilang pangkalahatang kapakanan.








