
Nagpatuloy sa iba pang barangay sa San Carlos City ang Meals on Wheels Program matapos magtungo ang Meals on Wheels Truck sa Barangay Magtaking at Sapinit bilang bahagi ng Community Feeding Program.
Isinusulong ang programa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at City Nutrition Council upang maihatid ang karagdagang nutrisyon sa mga mamamayan, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan.
Kasabay nito ang pagpapaalala sa kahalagahan ng tamang pagkain at wastong pangangalaga sa katawan bilang susi sa malusog na pangangatawan.
Namahagi rin ng iodized salt sa mga dumalo sa naturang programa bilang bahagi ng adbokasiya sa wastong nutrisyon at kalusugan.
Facebook Comments










