Isang pares ng identical twin brother ang nakatakdang makipagpalitan ng “I do” sa mga kasintahan nila na identical twins din!
Taong 2014 nang magkakilala sa kanilang psychology class sa grand valley state university sina Nick Lewan at Kassie Bevier.
Nang magtagal, nagustuhan daw nila ang isa’t isa hanggang sa ayain ni Nick na makipag-date sa kanya si Kassie.
Pero habang nasa simbahan, nagulat raw si Kassie nang makita ang kakambal niyang si Krissie kasama naman ang kakambal ni nick na si Zack.
Araw ng Biyernes nakatakdang ikasal sina Kassie at Nick habang sabado naman sina Krissie at Zack.
Facebook Comments