MEASLES IMMUNIZATION EFFORTS PALALAKASIN NG DAGUPAN LGU

Palalakasin ng Dagupan LGU ang measles immunization efforts ng siyudad. Kasunod ito ng naganap na pagpupulong sa pagitan ng lokal na gobyerno sa pamumuno ni Mayor Belen Fernandez, City Health Office, Department of Health (DOH), at mga kinatawan ng UNICEF.
Ayon sa report ng DOH, bumaba ang immunization rate ng mga bata kontra measles sa buong bansa.
Maliban sa pag-aalangan sa pagbabakuna, isa rin sa isinaad na dahilan ng DOH ang restrictions at lockdowns mula sa naranasang pandemya.

Upang mapigilan ang mga pagkalat ng sakit, lalo na sa mga bata, magkatuwang na paiigtingin ng Dagupan LGU-City Health Office, DOH at ng UNICEF ang immunization programs ng siyudad.
Nagbigay ng buong suporta si Mayor Belen Fernandez sa adhikaing ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular and catch-up immunization sa mga bata edad 0-59 month old.
Ito ay upang mailapit ang serbisyo at mahikayat ang mga magulang na bigyang proteksyon ang mga anak laban sa sakit.
Maliban sa Measles, Mumps, and Rubella (MMR) vaccine, kasama rin dito ang iba pang kinakailangang bakuna tulad ng BCG, OPV, DPT, Hepatitis B, at anti-pneumonia vaccines. | ifmnews
Facebook Comments