MEASLES, RUBELLA AT POLIO FREE, TARGET NG LGU DAGUPAN PARA SA LAHAT NG BATA SA LUNGSOD

Sa paglunsad ng malawakang MR-OPV o ang Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine 2023 Supplemental Immunization Activity sa pangunguna ng Department of Health ay kaisa nito ang lokal na pamahalaan ng Dagupan na may layong maging measles, rubella and polio free ang bawat bata sa lungsod ng Dagupan.
Alinsunod dito, isinailalim sa Orientation and Microplanning Workshop ang mga health workers na pinangungunahan ng ng City Health Office dahil sila ay magiging katuwang sa pagsasagawa na magaganap na Supplemental Immunization Activity sa lungsod.
Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang World Health Organizations (WHO) at Relief International upang mas matibay at maging matagumpay ang immunization program sa Dagupan City.
Samantala, ang Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Immunization ay may layong maiwasan ang ang paglaganap mula sa mga sakit na maiiwasan sa bakuna partikular ang tigdas, rubella at kung saan ay may mga komplikasyon sa pagkawasak kung hindi ito matugunan ng maayos. |ifmnews
Facebook Comments