
Nagsagawa ng pagsasanay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Office Region 6 ng Meat Processing Training para sa mga distressed overseas Filipino worker (OFW).
Katuwang ng ahensya ang Provincial Government ng Guimaras sa pamamagitan ng Provincial Economic Development Office.
Ayon sa OWWA, layunin nitong mabigyan ang mga OFW ng praktikal na kasanayan na maaaring gawing kabuhayan upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
Sa isinagawang pagsasanay, natutuhan ng mga kalahok ang iba’t ibang pamamaraan sa paggawa ng produktong karne—mula sa tamang paghahanda ng sangkap hanggang sa pagproseso at pagpreserba.
Bahagi ng naturang programa ang tuloy-tuloy na inisyatiba ng OWWA na maghatid ng makabuluhang skills training para sa mga OFW na balik bansa upang sila ay maging mas handa sa panibagong simula ng buhay.









