Nangako ang Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na susuportahan ang lokal na industriya sa pamamagitan ng pagbili ng Mechanically Deboned Meat (MDM) mula sa bagong pasilidad na itatayo ng mga local producers.
Ang MDM ay isang principal material sa produksyon ng canned meat products.
Ayon kay PAMPI President Felix Tiukinhoy Jr., bibilhin nila ang lahat ng MDM sa local producers para hindi na sila mag-aangkat, at makakatipid pa sila mula sa foreign exchange.
Bukas din sila sa mungkahi ni Agriculture Secretary William Dar at poultry producers na magtayo ng pasilidad sa paggawa ng MDM na magsu-supply ng pangangailangan ng local meat processing industry.
Sa ngayon, ang meat processors ay nag-aangkat ng MDM mula sa iba’t ibang bansa dahil sa kawalan ng local production.