MEAT PRODUCTS IMPORTATION | Samahang Industriya ng Agrikultura at House Speaker Gloria Arroyo, nagkasundo

Nakahinga ng maluwag ang Samahang Industriya ng Agrikultura matapos tiyakin ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na wala siyang Iminungkahi sa mga economic managers na mag-aangkat at magbababa ng taripa sa mga karne o meat products.

Sa isang diyalogo na isinagawa kanina sa QC, sinabi ni Rosendo So, Chairman ng Sinag na tiniyak nila kay House Speaker Arroyo na hindi na kailangang mag import ng meat products dahil sapat ang suplay.

Ayon kay So, tiniyak ng mga nasa industriya ng magbababoy na hindi sila magtataas sa presyo ng kada live weight ng baboy kung mapababa ang presyo ng feeds at produktong petrolyo .


Sinabi naman ni Arroyo na may plano na ang mga economic managers kung paano sosolusyonan ang walang prenong pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo na pangunahing dagdag sa gastusin ng negosyante partikular sa transportasyon.

Facebook Comments