Meat products na apektado ng salmonella, tututukan ng NMIS

Mahigpit na tututukan ng National Meat Inspection Service o NMIS ang mga karneng apektado ng salmonella.

Ito ay kasunod ng pagharang sa mga karne ng baboy mula sa mga bansang apektado ng African swine fever. (ASF)

26,000 na frozen pork liver o kontaminadong atay ng baboy na galing sa bansang Spain ang kinumpiska.


Ilan pa sa binabantayan ng ahensya ay ang mga karneng may iba ang amoy o kulay at expired na meat products.

Ayon kay Meat Import Export Assistance and Inspection Head Dr. Mingon Umali –mapanganib sa kalusugan ng tao ang mga kontaminadong karne kahit lutuin pa ito.

Babala ng NMIS, paparusahan ang sinumang magpapapasok ng mga naturang karne.

Facebook Comments