MECHANICAL ENGINE TROUBLE | Isang chopper, bumagsak sa Tupi, South Cotabato

South Cotabato – Mechanical engine trouble ang itinuturong dahilan ng pagbagsak ng isang chopper sa Sitio Glandang, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato.

Ayon kay Police Chief Inspector Lemuel Joseph Clarete, hepe ng Tupi Municipal Police Station, kaka-take off pa lamang ng chopper na papunta sana ng surallah, south cotabato, nang biglang namatay ang makina nito hanggang tuluyang bumagsak.

Nakaligtas naman ang pilot na si Dennis Figueroa maging ang mga sakay nito na sina Dr. George Gonzales, at mga dayuhan mula sa Europa na sina Cecilia Donaire at Alicia Bingco.


Kasalukuyan silang nagpapagaling sa isang pribadong ospital sa GenSan matapos magtamo ng minor injuries.

Facebook Comments