MECO, mananatili sa kanilang protocol sa kabila ng pagbaba ng Taiwan sa kanilang pandemic alert sa Level 2

Bagama’t ibinaba na ng Taiwan Central Epidemic Command Center (CECC) sa Level 2 ang kanilang pandemic alert, paiiralin pa rin ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang kanilang protocols sa transaksyon sa tanggapan.

Ayon sa MECO, paiiralin pa rin nila ang by appointment basis sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na may transaksyon sa kanila.

Kabilang dito ang renewal at pag-claim ng passport, pagnonotaryo at authentication ng mga dokumento, gayundin ang may mga transaksyon sa Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO/OWWA), Social Security System (SSS), at Pag-IBIG.


Layon nito na maiwasan ang pagsisiksikan sa MECO ng mga Pinoy sa Taiwan.

Facebook Comments