Tiniyak ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na walang Pilipinong nasaktan sa malakas na bagyong tumama sa Taiwan.
Sa kabila nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang MECO sa Migrant Workers Office sa Taiwan para makausap ang Filipino Community representatives doon.
Layon nito na mabatid ang kalagayan ng OFWs na nasalanta ng bagyo.
Ayon sa MECO, bagama’t kanselado ngayong araw ang pasok ng mga empleyado sa Taiwan, may ilan anilang Pinoy ang pinili na mag-overtime.
Mino-monitor din anila ng Taiwanese employers ang sitwasyon ng kanilang mga empleyado sa dormitoryo sa pamamagitan ng CCTV.
Sa naturang bagyo, tatlo ang nasawi sa Taiwan, 220 ang nasugatan at mahigit walong libong residente ang inilikas.
Facebook Comments