MECO, tiniyak na walang Pinoy na nasaktan sa malakas na lindol kanina sa Taiwan

Kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na walang Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol na tumama kanina sa Taiwan.

Ayon sa MECO, ito ay base sa monitoring ng kanilang field offices sa Taichung at Kaohsiung.

Wala rin anilang naitalang Pinoy casualties o injured ang Filipino communities sa Taiwan.


Nangangahulugan ito na accounted at ligtas ang lahat ng mga Pinoy sa Taiwan.

Gayunman, marami anilang mga Pinoy ang natakot sa malakas na pag-uga ng kanilang mga gusali.

Facebook Comments