MECQ areas, makatatanggap ng mas maraming COVID-19 vaccines – Nograles

Magsasagawa ang pamahalaan ng recalibration at ipaprayoridad ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala pa ng mas maraming bakuna sa mga COVID high risk areas.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang vaccine deployment task group ay magre-recalibrate ng vaccine distribution lalo na at maraming supply ng bakuna ang darating sa bansa ngayong buwan.


Pumayag aniya si Pangulong Duterte na iprayoridad ang vaccine deployment sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Pagtitiyak ni Nograles na gagawin ito sa lalong madaling panahon at hindi ito mahahantong sa hindi patas na distribusyon ng bakuna.

Facebook Comments