MECQ at GCQ, ipinatupad para sa ekonomiya at hindi sa lakwatsa ayon sa JTF COVID-19 Shield

Hinihikayat ng Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield ang publiko na manatili pa rin sa bahay at huwag tumungo sa mga mall at iba pang business establishments para lamang maglakwatsa.

Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar, Commander ng JTF COVID-19 Shield, mataas pa rin ang banta ng COVID-19 kaya ipinagbabawal pa rin ang mga unnecessary travel.

Giit ni Eleazar, pinayagan lamang magbukas ang mga business establishment para sa ekonomiya ng bansa at hindi para mag-lakwatsa na ang mga tao.


Ginawa ni Eleazar ang apela dahil sa pagdagsa ng mga tao sa mga mall at iba pang business establishment nang buksan ito nitong nakalipas na May 16, 2020 sa National Capital Region (NCR) at nalabag ang physical distancing.

Sa ngayon, mas mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng JTF COVID-19 Shield sa mga mall para masiguro na sumusunod sila sa health protocols.

Facebook Comments