MECQ, Ipatutupad sa bayan ng Lubuagan, Kalinga

27

Cauayan City, Isabela- Isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa loob ng 14-araw ang bayan ng Lubuagan, Kalinga dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa naturang bayan.

Ito ay batay sa ipinalabas na Executiver order no.2021-02 na nilagdaan ni Mayor Charisma Anne Dickpus.


Nakasaad sa kautusan na bawal ang paglabas ng mga edad 14 pababa at 65 pataas, gayundin ang may mga comorbidity o dati ng mga sakit sa kalusugan.

Sa kabila nito, papayagan sa 50% operational capacity ang ilang establisyimento partikular sa mga restaurants.

Hinihikayat naman ng LGU ang paggamit ng mga non-motorized vehicle gaya ng bisikleta habang umiiral ang pagpapatupad sa MECQ hanggang Pebrero 7.

Facebook Comments