MECQ SA BAYAN NG SISON, NAKATULONG UMANO AYON SA ALKALDE; ISANG BARANGAY NITO, ISASAILALIM NAMAN SA TOTAL LOCKDOWN

SISON, PANGASINAN – Magtatapos na ngayong araw, Setyembre 9 ang Quarantine Classification ng bayan ng Sison sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ngunit isasailalim naman ang Barangay Alibeng sa total Lockdown.

Dahil sa taas ng naitalang aktibong kaso sa bayan ng Sison, idineklara ito sa ilalim ng MECQ kung saan ayon sa naging panayam ng Ifm Dagupan kay Mayor Danilo Uy, nakatulong umano ang pagtataas ng quarantine classification sa bayan dahil sa dating nasa mahigit isang daan ang aktibong sa bayan ay nangalahati na ito ngayon.

Ayon pa sa kanya, kahit na magtatapos na rin umano ang MECQ sa kanilang bayan ay kailangan pa ring mag-ingat at kanila pa ring pag-ibayuhin ang kanilang pagbabantay lalo na’t nasa ilalim ngayon ang probinsya ng Pangasinan sa General Community Quarantine with Heightened Restrictions.


Samantala, isasailailalim naman ang Barangay ng Alibeng sa Total Lockdown simula September 8-15, ito ay dahil sa kahilingan ng mismong barangay higpitan ang kanilang lugar dahil umano sa tumataas na kaso ng sakit. Epektibo ito ilalim ng Sangguniang Barangay Resolution No. 12, s. 2021 at sab isa ng Municipal IATF Reso. Number 004, s. 2021

Facebook Comments