MECQ Status ng Tuguegarao City, Pinalawig

20

Cauayan City, Isabela- Pinalawig pa ang pagsasailalim ng Tuguegarao City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito’y matapos aprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force on COVID-19 (RIATF) sa katatapos lamang na pagpupulong ang kahilingan ng Lokal na pamahalaan ng Tuguegarao City na palawigin ang MECQ status ng Lungsod ng karagdagang walong araw.


Ibig sabihin nito ay magtatagal ang MECQ status ng Tuguegarao City hanggang ika-30 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Facebook Comments