Medal of Valor na Heneral naupo na bilang bagong Commander ng Kampilan division

*Naupo na noong sabado ang bagong Commanding General ng 6th Infantry Kampilan division si Brig.Gen.Cirilito Sobejana matapos gawin ang Turn Over of Command na pinangasiwaan ni CGPA Lt.Gen.Orlando Bautista..Pinalitan ni Gen.Sobejana si Lt.Gen.Arnel Dela Vega na napromote naman na WestMinCom Commander.*
*Sumaksi ang mga local chief executive mula sa probinsya ng Maguindanao, Sultan Kudarat at North Cotabato at Cotabato City at mga military generals.*
*Sa mensahe nya siyay Nagpasalamat kay pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili sa kanya na pamunuan ang pinakamalaking division ng Army sa bansa ang Kampilan.Anya pa noong march 26 ay sinabihan na siya ni pangulong na itatalaga siyang 6th ID Commander.*
*Inihayag nito na kanyang ipagpatuloy ang magandang nasimulang programa ni Lt.Ge.Dela Vega lalo na ang Balik Baril program.Si Sobejana ay isang Medal Of Valor awardee noong siyay Company Commander pa ng Scout Ranger sa Basilan.*

Facebook Comments