Medalya ng Pilipinas sa SEA Games, nadagdagan pa

SEA Games – Nadagdagan na naman ng isang gintong medalya ang kampanya ng Pilipinas sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur Malaysia.

Ibinigay ni Kaitlin De Guzman ang ikalimang gintong medalya ng Team Pilipinas matapos manalo sa Uneven Bars ng Women’s Gymnastics kanina.

Umiskor ang disi-syete anyos na dalagita ng 12.875 points para talunin sina Malaysian Tracie Ang na umiskor ng 12.550 habang pangatlo naman si I. Rifda ng Indonesia sa kaniya namang 12.075.


Ang ina at coach ni Kaitlin na si Tammy De Guzman ang siya ring nanalo sa Uneven Bars noong 1995 SEA Games.

Facebook Comments