Medcap isinagawa sa Coastal Area ng Maguindanao

Libong mga indibidwal ang nakabiyaya sa isinagawang Medical Mission ng Provincial Government ng Maguindanao sa Datu Blah Sinsuat noong araw ng sabado.

Kinabibilangan ito ng free consultation, 688, tuli,25, bunot ng ngipin, 40, pamamahagi ng libreng eye glasses, 180, may isinagawa ring minor surgery, bukod pa sa libong mga residente ang naavail ng feeding program . Samantala, nagpaabot rin ng 300 armchairs ang PGO .

Nagpapasalamat naman ang LGU DBS sa naging inisyatiba ng Provincial Government sa naging direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Isinagawa ang Medcap kasabay ng Thanksgiving Kanduli ng bayan.


Facebook Comments