MEDCAP ng Militar, Isinagawa sa Echague, Isabela!

83

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naisagawa ng 86 th Infantry (Highlander) Battalion katuwang ang LGU chague ang Medical at Dental Civic Outreach Program (MEDCAP) sa Brgy. Dicaraoyan, Echague, Isabela.

Nabigyan ng libreng konsultasyong medikal ang 67 na katao habang 8 naman ang nakinabang sa libreng pagbunot ng sirang ngipin at libreng gamot sa naganap na MEDCAP ng kasundaluhan kasama ang 5ID Station Hospital.


Kasabay ng aktibidad ay nagkaroon ng film showing at nagbigay rin ng iba’t- ibang uri ng binhi ng gulay mula sa Kagawaran ng Agrikultura-RO2 sa pangunguna ni Lt.Col Ali A Alejo, ang Acting Commanding Officer ng 86th IB.

Malaki naman ang naging pasasalamat ng mga residente ng Brgy. Dicaraoyan sa pamumuno ni Brgy Captain Felix Taruma dahil sa ibinigay na tulong at adhikain ng mga kasundaluhan na makapagbigay ng libreng serbisyo sa kanyang lugar.

Facebook Comments

From Advertisers