MEDIA AGKAYSA RONDA, INILUNSAD PARA SA IMPORMASYON AT TURISMO SA LA UNION

Upang higit pang palakasin ang pagpapalaganap ng impormasyon at promosyon ng turismo, inilunsad ng Provincial Government of La Union sa pamamagitan ng Media Affairs Office ang dalawang araw na Media Agkaysa Ronda for Information Optimization ngayong Pebrero 19 at 20, 2026.

Layunin ng aktibidad na patatagin ang ugnayan ng media at mga lokal na pamahalaan, at itampok ang turismo, kultura, at mga proyektong pangkabuhayan sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Bibigyang-daan ng programa ang pagbisita sa mga bayan ng Sudipen, Bangar, Santol, Luna, Balaoan, San Gabriel, San Juan, Bacnotan, at San Fernando City, upang mas mailapit sa publiko ang mga lokal na produkto, pasyalan, at serbisyo.

Inaasahang makatutulong ang aktibidad na ito upang mas mapalawak ang kaalaman ng publiko sa mga inisyatiba ng pamahalaang panlalawigan, mapalakas ang promosyon ng turismo, at mag-ambag sa patuloy na pag-unlad ng La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments