Ipinagbawal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang media na makakuha ng impormasyon sa nagpapatuloy na working-level meeting para sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at United States.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang mga pinag-uusapan ay bahagi ng “national security” kaya hindi maaari itong ma-access ng media.
Una nang kinumpirma ni DFA Spokesperson Ivy Banzon-Abalos na may isinasagawang pag-uusap ngayon ang Pilipinas at US hinggil sa bilateral defense at security cooperation bilang bahagi ng regular at nagpapatuloy na ugyanan ng Pilipinas sa US para mapagtibay pa ang alyansa ng dalawang bansa.
Ang pulong ay nangyari pagkatapos bigyang diin ni US Defense Secretary Lloyd Austin III ang kahalagahan ng VFA sa Mutual Defense Treaty noong nag-uusap sila sa telepono ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
February 2020, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa DFA na ipawalang bisa ang VFA, pero noong Hunyo ay ipinasuspinde ng Pangulo ang termination.
Noong November 2020 nang inanunsyo ni Locsin na pinalawig ni Pangulong Duterte ang suspension ng VFA abrogation hanggang sa susunod na anim na buwan.