
Binuweltahan ng Malakanyang ang media matapos lumutang na peke ang ilang lumantad na pamilya ng extra-judicial killings.
Sa kanyang pagdalo sa General Membership Meeting ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa Makati City, sinabi ni Presidential Communications Office Usec. Claire Castro na kung alam naman ng media na hindi pala totoong biktima ng EJK ang ilan sa lumantad na pamilya ay dapat itinama na ito sa kanilang pag-report.
Tinukoy nito Usec. Castro ang isang kagawad ng media na nagtanong sa kanya at nagsabi na kapitbahay pala niya ang isa sa mga pekeng EJK subalit hindi naman aniya nito itinama sa kanyang isinulat ang totoong report.
Sa ginanap na KBP General Membership Meeting, present din sina KBP Executive Chairman Butch Canoy at Radio Mindanao Networks Executive Vice President/Chief Operations Officer Enrico “Rico” Canoy.