Media broadcasting companies, pinagsusumite ng Kamara ng kopya ng kanilang mga Philippine Depositary Receipts

Pinagsusumite ng Kamara ang mga major broadcasting companies sa bansa ng kanilang mga kopya ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) na inisyu sa mga dayuhan.

Kasunod ito ng paghahain ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago ng House Resolution 984 na layong silipin din ang legalidad ng PDRs ng ibang media broadcasting companies sa non-Filipino citizens.

Tinukoy sa resolusyon ang paglabag umano ng ABS-CBN Corporation sa 100% Filipino-ownership sa media kasunod ng pagtalakay sa isyu ng pagbebenta ng giant network ng PDRs sa mga dayuhan na sinasabing naging daan para makapagmay-ari ang mga ito sa ABS-CBN.


Nakasaad sa panukala na imbestigahan na rin ang PDRs ng ibang media companies para na rin sa interes ng pagkakapantay-pantay at pagiging patas sa lahat.

Pinaalalahan din sa resolusyon ang media companies sa pagsunod sa Section 11, Article 16 na ang mass media management at ownership ay limitado lamang para sa mga Pilipino.

Facebook Comments