Media broadcasting, nangungunang industriyang may malaking job vacancies sa nalalapit na DOLE job fair

Nangunguna ang media broadcasting sa local industry na may maraming bakanteng trabaho.

Ito ang inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa harap ng isasagawang online job and business fair sa Sabado, Araw ng Kalayaan, June 12.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay, director ng Bureau of Local Employment (BLE), nasupresa siya na kabilang ang broadcasting sa mga nangungunang industriya na naghahanap ng manggagawa.


Aniya, ang mga employer sa media broadcasting industry ay naghahanap ng caption writers o live note takers.

Bukod sa media broadcasting, marami ring job vacancies sa Business Process Outsourcing (BPO), manufacturing, security services, at retail.

Ang iba pang nangungunang bakanteng trabaho ay customer service representative, production operator, factory workers, security guards, cashier, at sales representative.

Higit 40,000 trabaho mula sa halos 380 employer ang alok sa Independence day job fair, 19,000 trabaho ay mula sa 38 employer na nakabase overseas.

Facebook Comments