MEDIA COVERAGE | Pagkakaroon ng press corps para sa Boracay Inter-Agency Task Force, sinuhestyon ni Presidential Spokesman Harry Roque

Manila, Philippines – Nais ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bumuo ang Boracay Inter-Agency Task Force ng press corps.

Ayon kay Roque, ito ay para mabigyan ang mga mamamahayag ng media passes para magkaroon sila ng parehong pribilehiyo sa mga residente ng isla.

Maliban rito, hinimok rin ni Roque ang task force na luwagan ang restrictions sa media coverage sa isla.


Una nang sinabi ng Inter-Agency Task Force, na kinokonsidera ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Tourism (DOT) na payagan ang pananatili ng mga miyembro ng media sa isla mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Pagkatapos nito ay pababalikin na ang mga mamamahayag sa mainland sa bayan ng Malay.

Facebook Comments