Media, dapat makipagtulungan para makontra ng propaganda ng mga terorista

Manila, Philippines – Inamin ng Pamahalaan na tinatangka ng mga terrorista na gumawa ng senaryong religious war sa pamamamagitan ng pagvideo sa kanilang paninira sa mga imahe ng santo sa ilang simbahan sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, kailangang mapigilan ito ng mamamanayan sa tulong narin ng Media.

Nakikiusap si Padilla sa mga mamamahayag na huwag ilabas ang mga propaganda ng mga terorista at sa halip ay ibalita ang pagtutulungan ng mga Katoliko at Muslim para makamit ang katahimikan.


Sa pamamagitan aniya nito ay makokontra ang ginagawang propaganda ng mga terorista para pagawayin ang mga Katoliko at Muslim.

Una nang umapela ang Pamahalaan sa mamamayan na huwag ikalat sa social media ang mga propaganda video ng mga terorista.
DZXL558

Facebook Comments